Matagumpay ang naging despidida party ng outgoing commander officer ng 57th IB na si Lt.Col Bernie Langub. Ito ay handog ng Makilala LGU sa pangunguna ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, bilang pasasalamat sa malaking naiambag nito sa kanyang political sulotions. Idinaos ang nasabing okasyon kagabi ika 9 na araw ng Nobyembre taong kasalukuyan. Kung saan Nagsimula ang naturang pagdiriwang alas syete ng gabi.
Naging masaya ang despidida para kay Langub sapagkat nagpakita ng buong suporta ang mga myembro ng 57th batallion. Naroon rin ang presensya ng mga lokal na opisyales ng Makilala na pinangunahan ng Mayor ng Lungsod Rudy Caogdan. Nagbigay ng kanilang mga surpresang mensahe via phone sina Gov. Emmylou Mendoza, 1st District at former Gov. Susing Sacdalan at Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco.
Sa naturang okasyon para ky Langub pinasalamatan rin nya ang taos pusong suporta na ipinadama ng kanyang pamilya. Partikular na ang kanyang butihing may bahay na si Grace Langub.
Para kay Langub hindi umano nya lilisanin ang pamumuno at pagtulong sa 57th IB sahalip mas pinalawak lamang umano ang kanyang liderato sa pagtulong sa panibagong grupo ang 38th IB.
Giit pa ni Langub na ang mga serbisyong kanyang nasimulan sa 57th IB ay patuloy pa rin sa tulong ng bagong mamumuno sa ngalan ni Col. Benjamin Hao. Dagdag pa ni Lt.Col Langub na wala syang nadaramang tensyon kay Hao, komportable sya na sa liderato ng bagong commanding officer ay magagampanan ang kanyang mga adbokasiya para sa mga mamamayan. Kim Angas [Aired Nov. 10, 2010]
No comments:
Post a Comment