Monday, August 30, 2010

HINUGYAW 2010 Update…

Matagumpay na naipagdiwang ang Agro-Industrial Fair, may kaugnayan sa selebrasyon ng ika- 96 na anibersaryo ng probinsya. Ito’y ginanap sa loob ng provincial pavilion kung saan naging bisita sa nasabing pagdiriwang si Sen. Teofisto “tj” Gingona III. Dito’y kanyang binigyang diin na dapat pangalagaan an gating likas na kayamanan at patibayin ng husto ang pakikiisa ng mga katutubo sa probinsya.

Mistulang naging star studded ang gabi ng Pagent for mutya ng Cotabato. Naging hurado ang isang fasion model & celebrity na si Wilma Doesnt, ang Mutya ng Davao 2010 na si Jannelle te, kasali sina Senyor Superentendent Cornillo Salinas at Emmanuel Concepcion. Nasungkit naman ang korona ni
Crista Juanico ng Libungan, 1st runner up si Mary Joy Belandres ng Kidapawan City, 2nd runner-up si Abegail Arciaga ng Kabacan, 3rd runner-up si Hazel Joy Sajonia ng Arakan, at sinundan ni Rubelyn Florita ng Pres. Roxas.

Kahapon lamang, masiglang ginanap sa lungsod ng Carmen ang Lumba sa Pulange. Kung saan dinayo pa ito ng mga manonood galing pa sa iba’t-ibang lugar. Kung saan nauna sa nasabing paligsahan ang “best boat Design”.
Binubuo ng 4 na kategorya ang laro, ang 6k marathon, 1K marathon, at 200meters double and single sprint. Dito’y naging hurado naman ang mga kinatawan galling sa Department of Education 12 (DepEd 12) at over-all in-charge naman si Engr. Roland Heinar.
Samantala, ang “Pulange” ay isang salitang Maguindanawon na ang ibig sabihin ay ilog.

Sa bayan ng Matalam ay ginanap naman ang Mini-motocross na nilahukan naman ng mga riders galing ng Davao City, Agusan, bukidnon, Samal at maging ng ating kababayang galing sa bayan ng Antipas. Kung saan napahanga ang mga manonood sa pinakitang galing ng 15 anyos at pambato ng Antipas na si Rap-Rap Bayhon, na nanguna sa Flatrack Amateur Category kahapon. At ngayong araw ay aabangan sa naturang bayan ang pagpapatuloy ng motocross competition.

Sa Antipas ginanap ang Kavurunan Festival, naging kalahok dito ang mga IPs mula sa mga lungsod ng lalawigan. Nagkaroon ng Mutya ng Kuvurunan kung saan matagumpay na nasungkit ng representative ng Antipas ang titulo, isinagawa rin doon ang cultural show/ contest. Kinahapunan ginanap ang pag anunsyo at pagbigay ng pemyo at sertipiko sa mga nanalong kalahok. Nandoon din ang presenya ni 2nd district representative Nancy Catamco, Gov. Emmylou Taliño Mendoza, at mga myembro ng SP.(KALAYAAN NEWS & PUBLIC AFFAIRS)

No comments:

Post a Comment