Kagabi, maligayang sinalubong ng mga taga-makilala ang selebrasyong ng “Hinugyaw 2010”. Naging host ang lungsod sa ginanap na “Battle of the Bands”, na sinimulan alas 3:00 ng hapon, kahapon. Tampok dito ang talento ng mga taga-North Cotabato sa larangan ng awitan at paggawa ng sariling komposisyon na isa sa mga mechanics ng Kompetisyon.
Mayroong 10 partisipante galing sa mga bayan ng lalawigan ang lumahok sa nasabing pacontest, ito ay ang; 6 Inches, Uncivilized Idiots at Sunday’s Cool Bands ng Makilala, LGU Band of Midsayap, Rhythm Section Band ng Libungan, Axes at Dead Embryo bands ng Kidapawan City, USM Band ng Kabacan, Magiting Band ng Aleosan, at VilleVoyz Band ng Libungan.
Naging kampeon, ang USM Band na nakatanggap ng 30,000.00, sinundan ng Dead Embryo Band na may 20,000.00 at nasungkit ng 6 Inches Band na isa sa mga representante ng Makilala ang pangatlong pwesto.
Ang mga umupong hurado ay sina, Elnora Dumacon Hassan lead vocalist ng 2 Fingers Band of Kidapawan na tumutugtog sa iba’t-ibang parte ng Mindanao. Kasama si Jose Isidro Mainit, na myembro rin ng 2 Fingers Band, at si Sharkie Auguis ng Accoustic Wise Band ng Davao City. Napahanga naman ang mga ito sa galing ng mga performers at sa ganda at malamang linya ng kanilang mga sariling komposisyon.
Tampok sa ginawang kompetisyon ang sikat na bandang ‘Shamrock” , na galing pa sa Maynila. Mainit silang tinanggap ng mga manonood, na nagkaundagaga sa pagsigaw at palakpakan. Pinasikat ng nasabing banda ang mga kantang, Paano ng Apo, Mangarap Ka na naging theme song ng isang teleserye noon sa Dos. Kasabay rin nito ang pagtugtog ng kanilang bagong single ang, ‘Salamat Na Lang.’ Ito na ang kanilang pangalawang pagbisita sa North Cotabato.
Namataan naman sa nasabing paligsahan ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Hon. Gov. Emmylou Mendoza, Vice-Gov. Gregorio Ipong at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan. At naroon din sina mayor Rudy Caoagdan, Vice-Mayor Ricky Cua at mga konsehal ng lungsod. At halos di mahulugang karayom ang dami ng mga dumalong mamamayan lungsod at ibang galing pa sa ibang bayan.
Samantala, mistulang war zone naman ang palibot ng municipal gymnasium kahapon, dahil sa maigting na pagbabantay sa paligid at mapanatiling payapa ang pestibidad. Nagtulungan ang Makilala PNP at Philippine Army na galing pa sa mga karatig bayan.
Pinasalamatan naman ng Gobernadora ang mga dumalo, kasabay ng pangakong “Serbisyong Totoo”, na s’yang tema ng Hinugyaw 2010. (KALAYAAN NEWS & PUBLIC AFFAIRS)
No comments:
Post a Comment