Tuesday, August 31, 2010
Update…
Matagumpay na naidaos kahapon, ang mga pestibidad may kaugnayan sa selebrasyon ng ika-96 foundation anniversary ng lalawigan. Ididaos sa provincial pavilion ang kiat sa kabaw, kung saan naging tampok ang mga alagang kalabaw ng maraming magsasaka sa lalawigan. Pinagsuot ng damit, nilagyan ng make-up, lipstick at iba pang pampaganda. Nakaagaw pansin, ang magkaibigang kalabaw at aso, na kung saan kasama ng kalabaw ang aso sa pagtakbo. Hindi naman nauhaw ang mga manonood kahit pa sa matinding init ng panahon dahil sa excitement kasama ang mga kaibigan, pamilya at ibang mahal sa buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment