Sunday, October 31, 2010

Huling Coordinating Conference, Isinagawa ng COMELEC

Isinagawa ng comelec ang kanilang huling Coordinating Conference sa mga kasamang ahensya na tutulong sa halalan ngayong araw. Dumalo sa pagpupulong ang mga personahe ng PNP, AFP, Treasury, at Engineering office. Ditoý pinag-usapan ang mga responsibilidad at tahakin ng bawat ahensya sa layuning maging matagumpay at tahimik ang halalan sa buong bayan.
Tinalakay din sa naturang pagtitipon ang kapakanan ng bawat myembro. Nagsimula ang konperensya alas 6 ng gabi sa pangunguna ni Municipal Comelec officer Maxima Catatista.

Naging panauhin sa ginanap na pagpupulong ng mamamahayag na sakop ng Mindanao Press Cor si Lt./Col Lucas, ng Task Force Cotabato. Naging paksa ng kanyang talumpati ang pagpapaintindi ng media relation lalo na sa kanilang hanay. Ayon sa opisyal, kailangang mahigpit ang at malinaw ang komunikasyon sa pagitan ng media at uniformed men. Ito umano ang susi sa pagiging responsableng mamamahayag at propesyonal na sundalo. Aminado naman ang opisyal na hindi pa ito ganap na naiintindihan ng maraming indibidwal sa kanilang hanay.

Dagdag ng opisyal na sundin lamang ang gabay ng Code of Ethics na nasa 4 na principyo ang pagsasaliksik ng katutuhanan at ihayag ng insakto at tama, kumilos ng malaya sa obligasyong iahayag sa publiko ang impormasyon, Maging responsible,pagrespeto sa bawat karapatan.

Ikinagalak din ng opisyal ang umangat na bilang ng mga myembro ng naturnag organisasyon, na minsa'y kanyang nasimulan. Patapos ni Lucas na ang sundalo't mamamahayag ay dapat magkaisa sa parehong hangarin na paglilikod sa taumbayan. Ang proteksyon ng mamamayan at karapatang malaman ang bawat balita. Andrew tabugoc [Aired 0ct. 24, 2010 6am]

RHU Makilala, Umaarangkada sa Programa

Matagumpay ang buong linggong kampanya ng makilala Rural health unit ng lungsod. Ito ay ang GP week o programang Garantisadong Pambata. Kung kailan namigay ang naturang opisina ng libreng bitamina para sa batang may edad 6 na buwan hanggang 5 taong gulang. Nagtungo ang lokal na ahensya sa mga brgy upang marating ang mga nangangailangang kabataan sa pangunguna ni Mrs Anita Maurisho, acting head ng RHU Makilala. Ang naturang programa ay hatid ng Dept. of health Region 12.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Ervin De Leon, sanitary Inspector 2 ng RHU Makilala. Wala na umanong natatalang dengue cases sa lungsod sa ngayon. Base sa monitoring ng ahensya, abot sa 516 dengue cases ang naitala ng ahensya mula sa pagsisimula ng taon hanggang Sept. 24. kung saan pinakamataas na natala dito ay nasa buwan ng Agusto na may 163 cases. Pumangalawa ang makilala sa lungsod ng Kidapawan sa may pinakamataasa na bilang na nabiktima ng degue sa North Cotabato.

Paliwanag ni De Leon, dahil umano ito sa demograpiya ng lungsodna sadyang maraming tubigan. Naging epektibo umano ang kanilang programang Dengue Brigade sa mga brgy ng Makilala na pinapatupad mismo ng mga opisyal mula ng bawat brgy. Samantala abot sa 3,911 dengue cases ang naitala sa buong lalawigan at nasa 0-10 taong gulang ang kalimitang nagiging biktima. Andrew tabugoc [Aired 0ct. 22, 2010 6am]

Brieffing and Orientation, Isinasagawa ng COMELEC

Isinanasagawa ngayon ng COMELEC Makilala sa pangnguna ni Comelec Officer Maxima Catatista ang brieffing at orientasyon sa sa mga uupong BET o Board of Election Tellers sa papalapit na Brgy at SK Elections. Ang mga BET ay ang mga gurong mula sa 3 Distrito ng lungsod na abot sa halos 400 ang bilang. Tampok dito ang presentasyon ng Rules & Regulations, bagama't wala umanong pagbabago sa mga alituntunin, lubos naman umano itong kinakailangan sa mga baguhang guro, ayon kay Catatista.

Naroon at nagbigay din ng brieffing sina Lt/Col bernie Langub, Commanding Oficer ng 57th IB, Pci Jerson Birrey ng Makilala PNP, Engr. Caoagdan ng Engineering office, Jovani Ignacio ng Treasury Office, Makilala East Dist. Supervisor Jose Caparida, at West dist. Supervisor Alejandro Corre. Nagbigay ang mga ito ng kaalaman sa pagiging responsible at sa mapayapang halalan.

Ayon kay Col Langub, may 4 na mga brgy ng lungsod ang isinailalim sa Area of Concern. Ito ay ang mga brgy ng Biangan, Buhay, New Baguio at Brgy malasila na bagong nadagdag sa listahan. Dagdag ng opisyal na may nadagdag na tropa silang galing sa 73IB, 79th IB at mismong mga tauhan ni Gen. Ferrer. Hiling naman ng opisyal sa mga guro na ituro sa mga kabataan ang magagandang hangarin at progarama ng mga bagong hanay ng militar. Upang hindi manibago sa isipan ng mga kabataan ang kabutihang hatid ng kanilang hanay.

Samantala bukas naman magtatapos ang brieffing and orientation sa mga gurong mula sa central district sa pangunguna ni Mr. Renato Corre na syang supervisor ng naturang Distrito. At nasa 30,180 na mamamayan ng lungod ang inaasahang bubuto ngayong araw na Lunes. Andrew tabugoc [Aired 0ct. 22, 2010 6am]

Sunday, October 10, 2010

Pulong-pulong,Isasagawa sa Brgy New Bulatukan

Magsasagawa ng Info Drive and Brgy Defense System BDS election sa Brgy New Bulatukan, ngayong araw ala Una ng hapon. Ito ay inurganisa ng 39th IB sa pangungu na ni Lt. Antonio Santos, bunga ng nangyaring meeting sa mga local na opisyal noong Huwebes. Layon nito na ipaliwanag sa mga residente ang tunay na layunin ng militar sa pagtatalaga ng tauhan sa bawat brgy ng lungsod at pawiin din ang takot na resulta sa nangyaring harashment noong nakaraang Myerkules. Inaasahang dadaluhan ito ng mga residente sa nasabing brgy. [Aired 6am Oct. 09] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Ginanap na Miss Gay universe sa lungsod, tagumpay

Dinagsa ng makilaleneos ang isinagawang search for Miss Gay kagabi, Oktobre 8 kaugnay parin sa ipinagdiriwang na ika-56 na anibersaryo sa lungsod ng makilala. Ang nasabing patimpalak ay sinalihan ng mga taga kidapawan, makilala at maging ng taga karatig bayan. Ito ay nagsimula dakong alas 7:30 ng gabi t nagtapos ng alas 11:15.

Kaugnay nito nakuha ng taga kidapawan ang titulo na ginaya si Miss universe 4th runner up Ma. Venus Raj, pumangalawa naman ang nag impersonate kay Maricar Reyes, habang nasa pangatlong pwesto ang gumagaya kay Dawn Zulueta, at pang apat naman ang nag lolook-alike kay Angel Locsin.

Pagkatapos ng nabanggit ng programa, sumunod naman ang live Band na siya ring nagpasaya sa mga manonood sa nabanggit na lungsod. [Aired 6am Oct. 09] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Militar sa Brgy New Bulatukan, Hinarash ng mga Rebelde

Inatake ng mga rebelding grupo ang mga militar na naka deploy sa Brgy New Bulatukan, noong Myerkules, Oktubre 6. Ayon sa Chairman ng Brgy na si Mr. Castor Tudtod Jr, halos 10-15 minuto ang nangyaring palitan ng putok. Na nalagay sa alanganin ang buhay ng mga residenteng malapit dito. Mga hinihinalaang myembro umano, ng New Peoples Army NPA ang nasa likod ng nasabing panghaharas. Abot umano, sa 15 rebelde ang umatake sa pitong sundalo na sakop ng 39th IB, alas 9:45 ng gabi. Kung kailan nagkaroon ng halos 10-15 minutong palitan ng putok.

Pag-aari umano ni Mrs Lovely Paraiso, Chairman ng Brgy New Estrael ang inabandunang bahay na siyang tinutuluyan ng mga sundalo. Nasa pagitan ito ng dalawang mga bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Muyco at Dano na mismong nasa gitna ng komunidad. Bakas naman dito ang sirang dulot ng isang 3rd Grenade, habang narekober ng Makilala PNP ang 32 empty caliber ng M16 at 8 empty cal. ng M14, at isang 1 pumalpak na bala ng M2o3, na kung pumutok ay posibleng kumitil ng buhay. Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing pangyayari.

Sa panayam kahapon, kay Lt. Antonio Santos, Commanding Officer ng 39th IB na hindi sila magdaragdag ng tauhan sa nasabing lugar. At hamon naman ng opisyal sa mga residente na itigil na ang pagbibigay ng tulong sa nasabing grupo. Punto nito ang tulong Moral o ang pagkakanlong sa mga rebelding NPA, tulong pinansyal at Material.

Samantala gumawa naman agad ng hakbang ang mga local na opisyal ng brgy, nagsagawa sila ng meeting kasama ang 39th IB, alas dos ng hapon kahapon. Dito’y pinag-usapan ang seguridad sa darating na kapistahan sa lugar ngayong Oktubre 14. Tuloy pa rin ang mga aktibidad para dito at magsasagawa uli ng pulong-pulong ang militar sa mga residente, ngayong Sabado ala Una ng hapon, bilang resulta sa ginawang pag-uusap. At siniguro naman ni Lt. Santos ang seguridad ng mga tatampok sa kasiyahan ng kapistahan. [Aired 6am Oct. 08] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Gulay sa Panimalay, Inilunsad sa CSO Day

Masiglang inilunsad ang Gulay sa Panimalay na pinangunahan ng Women’s Assoc of Makilala, kahapon. Kasabay sa buong araw na Civic Society Organizations (CSO) day, kaugnay pa rin sa buong linggong selebrasyon ng ika-56 Anibersaryo ng lungsod. Layon nito na magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat Makelalenos. At tulungang sugpuin ang tumataas na malnutrition. Ang grupo ng mga Kababaihan na binubuo ng BHW, PSWD, Day Care Workers, BNS, Tribal Women, and Rural Improvement Club. Ayon kay Mrs Lilia Caoagdan nagtatakda sila ng Bayanihan sa pagtatanim ng gulay sa mga bakuran ng bawat bahay. Pagkatapos ng programa ay nagkaroon ng Blood Letting activity na pinangasiwaan ng Red Cross N.Cotabato. [Aired 7am Oct. 08] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Paggamit ng Organic Fertilizer, Palalakasin-MAFC

Palalakasin pa ng Makilala Agricultural and Fisheries Council ang paggamit ng organic na abono. Ito ang inihayag ni Carlito Dabon, bagong Presidente ng naturang organisasyon. On-going aniya ang promosyon ng organic fertilizer sa mga magsasaka sa iba’t-ibang brgy. Kasali na ang rapid composting sa layong mabawasan ang itinatambak na basura na pwede pa sanang mapakinabangan bilang pampataba ng halaman. Pinalitan ni Dabon ang out-going Pres na si Angel Cervantes. Natunghayan ng mga magsasaka kahapon, ang tamang pangangalaga at pagpapalaki ng Abaca, Niyog at Pangasius na idinitalye ng mga personahe mula sa Dept. of Agriculture. Pahabol ni Dabon, unang pagkakataon umano ng Makilala LGU na magbuhos ng hustong tulong sa pagsulong ng agrikultura sa pangunguna ng alkalde ng lungsod. [Aired 6am Oct. 07] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Bilang ng Butante sa lungsod, Bumaba ang Bilang

Bumaba ang bilang ng mga Regular Voters sa lungsod ito ang inihayag ni Commission on Elections (COMELEC), officer Maxima Catatista. Mula sa dating bilang na 40,169 ay nasa 39,180 na lamang ang makakabuto sa darating na SK at Bgry elections ngayong Oktobre 25, o may 989 na butante ang nawala sa listahan. Ito ay dahil umano sa paglipat ng tirahan o sa hindi pagbuto ng 2 beses sa magkasunod na halalan.

Habang abot na sa 251 na indibidwal, ang nakapag-file na ng kanilang kandidatora sa Brgy positions at 154 naman sa Sanguniang Kabataan. Mula sa pagbubukas ng filing noong Byernes ay inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw. At saklaw sa darating na aktibidad ihahanda na sa isang orientation ng COMELEC ang 381 na tatayong Board of Election Inspectors (BEIs) ngayong Oktobre 20 hanggang 22. Habang itinakda naman bukas ang Coordinating Conference sa pagitan ng Municipal COMELEC, PNP, Treasury, Engineering, DepEd supervisor at AFP. [Aired 6am Oct. 07] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Araw ng Magsasaka, Produktibo

Produktibo ang isinagawang selebrasyon ng Araw ng Magsasaka, kahapon sa lungsod. Kung saan nabigyan sila ng mga bagong kaalaman sa pagpapalago ng kanilang ikinabubuhay. Dinaluhan ito ng mga magsasakang sakop ng “Makilala Agricultural and Fisheries Council”, organisasyon ng mga magsasaka ng brgy. sa lungsod.

Dito ay nagkaroon ng Techno Furom sa pagtatanim at pangangalaga ng Abaca, Niyog at Pangasius. Sa tulong ng mga personahe mula sa opisina ng Dept. of Agriculture. Sa pangunguna ni Ms Rosario Paguican, ang Municipal Agriculturist ng Makilala. Naroon din sa ginawang pagtitipon ang Mayor ng lungsod kung saan nanguna sa Induction ng mga bagong halal na opisyal ng organisasyon.

At bilang pakiki-isa sa layuning mapatatag ng husto ang kabuhayan ng karamihan. Ayon sa opisyal na handa nya’ng ubusin ang pundo ng Gobyerno upang gawing tulong sa pag-ahon ng taga-lungsod sa kahirapan.

Samantala iginawad na ang Certificate of Land Ownership sa mahigit 107 indibidwal mula sa mga Brgy ng Luna Sur at Malabuan, kasabay sa isinagawang farmers Congres kaugnay sa ika-56 na anibersaryo ng lungsod. Ang mga benepisaryo ay mga tenant ng JMI na mula pa noon ay hindi pa nagkakaroon ng sariling lupa. Ayon kay Allan Mariabojoc, isa sa mga benipisaryo na hindi basta-basta ang naitulong ng lokal na pamahalaan sa inisyatibo ni Mayor Rudy Caoagdan, at opisina ng Provincial Agrarian Reform.
Naganap din kahapon ang pagpirma ng Mayor sa MOA sa pagitan ng Makilala LGU at DAR sa pagtatayo ng Technical School, kaalyansa ang Technical Skills Development Authority (TESDA). Itatayo ito sa 4 na ektaryang lupain sa Brgy San Vicente ng lungsod.

Ipinaliwanag ng mayor na prayoridad ng kanyang administrasyon ang iangat ang kita ng mga ordinaryong residente tungo sa papalago ng agrikultura. Sa ngayon, nasa 170 ektaryang lupain na ang natamnan ng goma at kape sa loob ng unang 100 araw ng bagong liderato. At handa na ang 200 ektarya na lupaing sakop ng Sitio Malumpini na siyang gagawing Vegetable at Flower Prodution Capital ng lalawigan. [Aired 6am Oct. 06] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Road Constuction sa Makilala Public Market, Tatapusin Ngayong Araw

Matatapos Ngayong Araw kung hindi uulan magdamag, ito ang pahayag ni Engr. Roel Caoagdan, ng Municipal Engineering office sa ginawang panayam kahapon. Bilang tugon sa tanong ng mga residente ng lungsod, kung kailan matatapos ang halos tatlong buwang inirereklamong pagsasa-ayos ng nasabing daan sa lungsod. Kondisyon lamang umano ng panahon ang kanilang minamatyag para sa dire-diretsong konstruksyon at naging dahilan na rin ng pagka antala nito.
Matatandaang inirereklamo ng mga taga lungsod ang nasabing proyekto dahil nakaapekto umano ito sa mga dumaraan, sasakyan at negosyo ng mga tindahang nasa tapat nito. Basta’t walang nangyaring pagbuhos ng ulan, ay inaasahan na matatapos na ang ginagawang kalsada, paniguro ng opisyal. [Aired 6am Oct. 06] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

COMELEC Makilala, Umaarangkada sa Paghahanda sa Darating na SK at Brgy Elections

Naghahanda na ngayon ang COMELEC ng lungsod sa darating na Oct. 10, SK at Brgy elections. Marami na umanong nag file ng kanilang mga kandidatora para sa local na halalan. Sa limang araw nasa 251 ang nagfile na tatakbong mga Kgwd, at Kapitan habang nasa 154 naman ang nafile sa Saguniang Kabataan, magtatapos naman ito sa Oktobre 13. At bilang hakbang ng paghahanda ay gagawin ngayong mga susunod na araw sa hindi pa eksaktong petsa ang orientation para sa mahigit 400 BEIs at election personels. [Aired 6am Oct. 06] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Monday, October 4, 2010

BDS Coop, Binatikos

Hindi nakaligtas sa batikos ang military sa itinatayo nitong Brgy Defense System Cooperative sa mga Brgy ng lungsod. Ayon kay Rustico Macalo ng Batasan Small Farmers Assoc.,Brgy Tribal Council, at Ancestral Domain, mga grupo ng magsasaka at katutubo sa lugar. Gagamitin lamang umano ang mga myembro nito para gawing informant ng militar sa paghahabol sa mga myembro ng New Peoples Army (NPA). Na maglalagay sa delikadong sitwasyon ng mga lihitimong mamamayan sa Brgy. Ito’y taliwas sa inihayag ng Militar na tulong upang mapalago ang kabuhayan ng mga magiging myembro nito. [Aired 6am Oct. 04] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

DepEd Day, Binuhusan ng Surpresa ng Makilala LGU

Matagumpay at puno ng surpresa ang isinagawang DepEd day o teachers day dito sa lungsod, kahapon. Ito ay kaugnay sa isang linggong selebrasyon ng ika-56 na taong anibersaryo ng lungsod. Aktibo itong dinaluhan ng mga guro mula sa mga brgy at iba’t-ibang personahe galing sa kanilang kagawaran. Nagkaroon ng isang araw na programa na ginanap sa Municipal Gymnasium ng lungsod.

Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Makilala sa pangnguna ni Mayor Rudy Caoagdan, sa layuning mapalakas ng estado ng Edukasyon sa lungsod. Kung saan, ipinangako niyang magbibigay ang kanyang administrasyon ng computer sets kalakip ang literacy training at libreng maintenance, ito ay para sa lahat na mga paaralan na sakop ng municipyo. Ayon sa opisyal, matindi ang kanyang paniniwalang ang mga “Guro ay Bayani”, at para mapatalas ang kaalaman ng mga ito ay magkakaroon ng taunang pestibidad para tingnan ang kanilang naging performance at patibayin pa ang teachers scholarship program.

Labis naman, na pinasalamatan ni Dr. Gloria Mudanza ang inihayag na suporta ng Mayor na mabigyang prayoridad at suporta ang Dept. of Education (DepEd). Dagdag rito, ang pagsisimula ng programang, eskolarship sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral. Na abot sa 5 milyon ang inilaang pundo para dito. At hinihintay na lamang na matapos ang pagbalangkas ng IRR o Implementing Rules & Regulation.


Samantala, pormal na nagbukas ang isang linggong pestibidad sa lungsod noong araw na Linggo, Oktubre 3. Sa pamamagitan ng isang banal na misa, na dinaluhan ng mga empleyado, opisyal at residente. Ang selebrasyon ay may temang “Ipadagayday Kalambuan sa Mas Labing Daghan”, [Aired 6am Oct. 04] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Pagtatayo ng BDS Coop, Naisakatuparan sa Brgy. Batasan

Matagumpay ang isinagawang Information Drive at pagpili ng mga opisyal para sa Kooperatiba sa ilalim ng Brgy Defense System sa Brgy. Batasan, Makilala. Matapos masang-ayonan ng mga dumalong residente ang pag-aproba sa pagtatayo ng nasabing organisasyon.Na dinaluhan naman ng halos 100 mamamayan ng Brgy.

Sa ginawang kunsultasyon may grupo at indibidwal pa rin ang tumutol sa pagtatayo nito. Na ayon sa kanila ay isang taktikang counter-insurgency laban sa mga myembro ng New Peoples Army (NPA). Ito’y ayon kay Rostico Macalo tumayong representate ng Batasan Small Farmers Association, Bgry. Tribal Council, at (AD) o Ancestral Domain Council, grupo ng mga magsasaka at katutubo sa nasabing lugar.

Ngunit ayon kay Lt. Antonio Santos, Commamnding Officer ng 39th IB. layunin umano ng natukoy na kooperatiba na mapalago ang kita at kabuhayan ng mga magsasakang sakop ng nasabing organisasyon. At paraan, upang gawing mabilisan ang paglapit sa mga ahensya ng gobyerno, particular ang Department of Agriculture (DA). Na s’ya umanong maglalaltag ng pundo sa nasabing programa. Taliwas sa rasong inihayag ng tumututol dito.

Ialn sa mga napiling opisyal sa kooperatibang ito ay sina Juanito Lebri, Presidente, Bise Presidente naman si Alfredo Baisac, Michael Linao at Elvie Gomez, Secretaries at Marcelino Bangot at benjie bangot bilang mga Treasurers. Ang pagtitipon ay may temang “Panaghiusa Alang sa Kalinaw, kaangayan ug Kalambuan.” [Aired 6am Oct. 04] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Makilalenyo, Biktima sa Vehicular Accident

Dalawang taga-lungsod involved sa nangyaring vehicular accident sa lungsod ng Kidapawan, alas 3 ng umaga. Nangyari ang salpukan ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng National Highway.

Nasawi ang driver ng Suzuki motorcycle na may plakang 9306MI, na si Ropel Luangas,28 anyos, may-asawa at sugatan naman ang kasama nitong si Rhomwer Al-ag resident eng Brgy. Concepcion, Makilala. Nakilala naman ang driver ng isuzu type jeep na may plakang LBC700 na si Jaime Fernandez Jose, 42 anyos may asawa, at resident eng brgy. Saguing ng lungsod.

Ayon sa panayam ng Kalayaan Patrol kay P03 Ricardo Gigantana, ng Traffic Division ng Kidapawan PNP. Galing umano ang jeep sa lungsod ng Kidapawan at pauwi na ng makilala nang mahigip nito ang kasalubong na motorsiklo. Na yon sa opisyal ay nasa motorcycle side ang point-of-impact ng pangyayari.

Dagdag ni Gigantana, na tinitignan nila ang anggulong nakainom ang parehong mga drivers. Dinala naman agad ang katawan ng sawing biktima sa Collado funeral homes sa Kidapawan. Habang nakulong naman ang driver ng jeep sa PNP lock-up cell. [Aired 6am Oct. 02] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

Public Assembly sa Brgy Malasila, Madamdamin at Matagumpay

Matagumpay ang isinagawang pampulikong asembleya sa brgy. Malasila, kahapon. Dito’y sinagot at nilinaw ng mga opisyal ang katanungan ng kanilang nasasakupan. Sumalang ang mga konsehal ng brgy. Kasama ng kanilang Punong Brgy. Na si Chairman Mr. Ilid.
Naging emosyonal naman ang chairman ng brgy. Nang itanong ang kasagutan nito sa kaso laban sa kanya at sa brgy. Treasurer nito na si Ms Nenita na kasalukuyang nakabinbin sa opisina ng OMBUDSMAN. Ito’y kaugnay sa P250,000.00 eco fund, na sana’y budget para sa roofing ng kanilang bagong brgy hall noong nakaraang taon.

Napalabas na umano ang nasabing pundo ngunit hindi napunta sa kaukulang proyekto at napunta sa ibang gastusin ng brgy. Na mariin namang tinutulan ng karamihan dahil híndi dumaan sa tamang proseso. Isang tanong sa legalidad ng nasabing hakbang.
Inakyat ang reklamong ito ng grupong pinangungunahan ni Mr. Danny Nunyes noong nakaraang Hulyo 24 ng taong kasalukuyan. Una umanong nagtungo ang nasabing grupo sa Dept. Of Interior and Local Gov’t (DILG), ng lungsod at pinayuhang pumunta sa opisina ni Mayor Rudy Caoagdan. Pagkatapos nito ay nakipag-ugnayan muna sila sa Municipal Legal Adviser na si Atty. Vergara. Saka bumalangkas ng pormal na reklamo.
Pinatawag umano ng DILG si Kapitan nang unang lebel pa ng reklamo, ngunit hindi ito nagpakita. Paliwanag naman ni Kapitan Ilid sa paratang, wala umano siya sa lungsod ng pinatawag ito sa natakdang oras at petsa. At Nung una’y hindi niya alam ang mismong pakay ng nasabing imbitasyon. Ngunit agad naman daw siyang pumunta sa DILG ng 3 beses, ngunit huli na umano dahil nasa tanggapan na ng Mayor ang pinadalang reklamo.

Permado ito ng ilang purok presidents at sa halos 130 indibidwal na nakatira sa nasabing brgy. At paliwanag ni Danny na walang halong pamumulitika ang kanilang ginawang hakbang.

Sa parehong pagkakataon ay humingi ng tawad si brgy Chairman Ilid sa kanyang nasasakupan. inako niya Ang kanyang nagawang kamalian na aniay “Mismanagement”. Aniya sana’y kinunsulta muna siya sa nabanggit na isyu bago Ito inakyat ng mga complainant sa opisina ng DILG. Upang mabigyang liwanag ang naturang reklamo.
Giit ng opisyal, na wala siyang sama ng loob, dahil karapatan iyon ng mamamayan. Paniguro naman ni Kapitan Ilid, na wala umanong kahit sentabo ng naturang pundo ang isinuksok niya sa bulsa. At May kaukulang dukomento naman umano silang ihaharap kung kinakailangan. [Aired Oct 01] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc