Inatake ng mga rebelding grupo ang mga militar na naka deploy sa Brgy New Bulatukan, noong Myerkules, Oktubre 6. Ayon sa Chairman ng Brgy na si Mr. Castor Tudtod Jr, halos 10-15 minuto ang nangyaring palitan ng putok. Na nalagay sa alanganin ang buhay ng mga residenteng malapit dito. Mga hinihinalaang myembro umano, ng New Peoples Army NPA ang nasa likod ng nasabing panghaharas. Abot umano, sa 15 rebelde ang umatake sa pitong sundalo na sakop ng 39th IB, alas 9:45 ng gabi. Kung kailan nagkaroon ng halos 10-15 minutong palitan ng putok.
Pag-aari umano ni Mrs Lovely Paraiso, Chairman ng Brgy New Estrael ang inabandunang bahay na siyang tinutuluyan ng mga sundalo. Nasa pagitan ito ng dalawang mga bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Muyco at Dano na mismong nasa gitna ng komunidad. Bakas naman dito ang sirang dulot ng isang 3rd Grenade, habang narekober ng Makilala PNP ang 32 empty caliber ng M16 at 8 empty cal. ng M14, at isang 1 pumalpak na bala ng M2o3, na kung pumutok ay posibleng kumitil ng buhay. Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing pangyayari.
Sa panayam kahapon, kay Lt. Antonio Santos, Commanding Officer ng 39th IB na hindi sila magdaragdag ng tauhan sa nasabing lugar. At hamon naman ng opisyal sa mga residente na itigil na ang pagbibigay ng tulong sa nasabing grupo. Punto nito ang tulong Moral o ang pagkakanlong sa mga rebelding NPA, tulong pinansyal at Material.
Samantala gumawa naman agad ng hakbang ang mga local na opisyal ng brgy, nagsagawa sila ng meeting kasama ang 39th IB, alas dos ng hapon kahapon. Dito’y pinag-usapan ang seguridad sa darating na kapistahan sa lugar ngayong Oktubre 14. Tuloy pa rin ang mga aktibidad para dito at magsasagawa uli ng pulong-pulong ang militar sa mga residente, ngayong Sabado ala Una ng hapon, bilang resulta sa ginawang pag-uusap. At siniguro naman ni Lt. Santos ang seguridad ng mga tatampok sa kasiyahan ng kapistahan. [Aired 6am Oct. 08] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment