Sunday, October 31, 2010

Brieffing and Orientation, Isinasagawa ng COMELEC

Isinanasagawa ngayon ng COMELEC Makilala sa pangnguna ni Comelec Officer Maxima Catatista ang brieffing at orientasyon sa sa mga uupong BET o Board of Election Tellers sa papalapit na Brgy at SK Elections. Ang mga BET ay ang mga gurong mula sa 3 Distrito ng lungsod na abot sa halos 400 ang bilang. Tampok dito ang presentasyon ng Rules & Regulations, bagama't wala umanong pagbabago sa mga alituntunin, lubos naman umano itong kinakailangan sa mga baguhang guro, ayon kay Catatista.

Naroon at nagbigay din ng brieffing sina Lt/Col bernie Langub, Commanding Oficer ng 57th IB, Pci Jerson Birrey ng Makilala PNP, Engr. Caoagdan ng Engineering office, Jovani Ignacio ng Treasury Office, Makilala East Dist. Supervisor Jose Caparida, at West dist. Supervisor Alejandro Corre. Nagbigay ang mga ito ng kaalaman sa pagiging responsible at sa mapayapang halalan.

Ayon kay Col Langub, may 4 na mga brgy ng lungsod ang isinailalim sa Area of Concern. Ito ay ang mga brgy ng Biangan, Buhay, New Baguio at Brgy malasila na bagong nadagdag sa listahan. Dagdag ng opisyal na may nadagdag na tropa silang galing sa 73IB, 79th IB at mismong mga tauhan ni Gen. Ferrer. Hiling naman ng opisyal sa mga guro na ituro sa mga kabataan ang magagandang hangarin at progarama ng mga bagong hanay ng militar. Upang hindi manibago sa isipan ng mga kabataan ang kabutihang hatid ng kanilang hanay.

Samantala bukas naman magtatapos ang brieffing and orientation sa mga gurong mula sa central district sa pangunguna ni Mr. Renato Corre na syang supervisor ng naturang Distrito. At nasa 30,180 na mamamayan ng lungod ang inaasahang bubuto ngayong araw na Lunes. Andrew tabugoc [Aired 0ct. 22, 2010 6am]

No comments:

Post a Comment