Matagumpay at puno ng surpresa ang isinagawang DepEd day o teachers day dito sa lungsod, kahapon. Ito ay kaugnay sa isang linggong selebrasyon ng ika-56 na taong anibersaryo ng lungsod. Aktibo itong dinaluhan ng mga guro mula sa mga brgy at iba’t-ibang personahe galing sa kanilang kagawaran. Nagkaroon ng isang araw na programa na ginanap sa Municipal Gymnasium ng lungsod.
Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Makilala sa pangnguna ni Mayor Rudy Caoagdan, sa layuning mapalakas ng estado ng Edukasyon sa lungsod. Kung saan, ipinangako niyang magbibigay ang kanyang administrasyon ng computer sets kalakip ang literacy training at libreng maintenance, ito ay para sa lahat na mga paaralan na sakop ng municipyo. Ayon sa opisyal, matindi ang kanyang paniniwalang ang mga “Guro ay Bayani”, at para mapatalas ang kaalaman ng mga ito ay magkakaroon ng taunang pestibidad para tingnan ang kanilang naging performance at patibayin pa ang teachers scholarship program.
Labis naman, na pinasalamatan ni Dr. Gloria Mudanza ang inihayag na suporta ng Mayor na mabigyang prayoridad at suporta ang Dept. of Education (DepEd). Dagdag rito, ang pagsisimula ng programang, eskolarship sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral. Na abot sa 5 milyon ang inilaang pundo para dito. At hinihintay na lamang na matapos ang pagbalangkas ng IRR o Implementing Rules & Regulation.
Samantala, pormal na nagbukas ang isang linggong pestibidad sa lungsod noong araw na Linggo, Oktubre 3. Sa pamamagitan ng isang banal na misa, na dinaluhan ng mga empleyado, opisyal at residente. Ang selebrasyon ay may temang “Ipadagayday Kalambuan sa Mas Labing Daghan”, [Aired 6am Oct. 04] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment