Produktibo ang isinagawang selebrasyon ng Araw ng Magsasaka, kahapon sa lungsod. Kung saan nabigyan sila ng mga bagong kaalaman sa pagpapalago ng kanilang ikinabubuhay. Dinaluhan ito ng mga magsasakang sakop ng “Makilala Agricultural and Fisheries Council”, organisasyon ng mga magsasaka ng brgy. sa lungsod.
Dito ay nagkaroon ng Techno Furom sa pagtatanim at pangangalaga ng Abaca, Niyog at Pangasius. Sa tulong ng mga personahe mula sa opisina ng Dept. of Agriculture. Sa pangunguna ni Ms Rosario Paguican, ang Municipal Agriculturist ng Makilala. Naroon din sa ginawang pagtitipon ang Mayor ng lungsod kung saan nanguna sa Induction ng mga bagong halal na opisyal ng organisasyon.
At bilang pakiki-isa sa layuning mapatatag ng husto ang kabuhayan ng karamihan. Ayon sa opisyal na handa nya’ng ubusin ang pundo ng Gobyerno upang gawing tulong sa pag-ahon ng taga-lungsod sa kahirapan.
Samantala iginawad na ang Certificate of Land Ownership sa mahigit 107 indibidwal mula sa mga Brgy ng Luna Sur at Malabuan, kasabay sa isinagawang farmers Congres kaugnay sa ika-56 na anibersaryo ng lungsod. Ang mga benepisaryo ay mga tenant ng JMI na mula pa noon ay hindi pa nagkakaroon ng sariling lupa. Ayon kay Allan Mariabojoc, isa sa mga benipisaryo na hindi basta-basta ang naitulong ng lokal na pamahalaan sa inisyatibo ni Mayor Rudy Caoagdan, at opisina ng Provincial Agrarian Reform.
Naganap din kahapon ang pagpirma ng Mayor sa MOA sa pagitan ng Makilala LGU at DAR sa pagtatayo ng Technical School, kaalyansa ang Technical Skills Development Authority (TESDA). Itatayo ito sa 4 na ektaryang lupain sa Brgy San Vicente ng lungsod.
Ipinaliwanag ng mayor na prayoridad ng kanyang administrasyon ang iangat ang kita ng mga ordinaryong residente tungo sa papalago ng agrikultura. Sa ngayon, nasa 170 ektaryang lupain na ang natamnan ng goma at kape sa loob ng unang 100 araw ng bagong liderato. At handa na ang 200 ektarya na lupaing sakop ng Sitio Malumpini na siyang gagawing Vegetable at Flower Prodution Capital ng lalawigan. [Aired 6am Oct. 06] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment