Sinisimulan na ngayon ng Local Government Unit (LGU) Makilala, nag hakbang nito tungo sa pagsasa-ayos ng dumpsite ng lungsod. Bilang tugon na rin sa dumaraming basura na nakatambak sakasalukuyang dumpsite sa Brgy. New Cebu ng lungsod.
Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Engr. Walter Ruizo, MAbubuksa na ang bagong dumpsite sa Brgy. Leboce bago pa sumapit ang ika-15 ng Oktubre ngayong taon. Ditto ay magpapatupad na ang naturang ahensya ng maigting na monitoring. Magkakaroon na umano ng separate areas ang pagtatapunan ng Biodegradadle, Non-Biodegradable, Recycle at Toxic materials.
Matatandaang unang naging puntirya ng Local Government na buksang dumpsite ang quary sa Brgy. Sinkatulan. Ngunit umalma nag mga resident eng lugar dahil malapit ito sa pinagkukunan nila ng malinis na tubig at marami ang residenteng namamahay malapit sa lugar. Dahilan, upang maantala ang pagkakaroon ng bagong pagtatapunan ng basura.
Patapos na paliwanag ng opisyal, hindi pa aniya masusunod ang sana’y alituntuning nakatala sa Economic Solid Waste Management Law (RA 9003), ngunit sa pamamagitan ng disiplinadong pamamahala ay umaasa s’yang maiibsan ang problema sa basura ng lungsod. [Aired Sept 22] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment