Kasabay ng selebrasyon ng ika-62nd foundation anniversary ng Brgy. San Vicente. Inilunsad sa nasabing brgy ang Flagship program ng Makilala LGU. Dinaluhan ito ng mga Dept. Heads ng munisipyo, Sangguniang BAyan, Purok Leaders ng Brgy, puisya at sundalo.
Pormal na binuksan ni Mayor Rudy Caoagdan ang pagtatanim kung saan, nasa 428 na bagong rubber seddlings ang itinanim sa mahigit 1.4 ektaryang lupa. Pag-aari ito ni Mrs. Lina Apolinario, na maluhang nagpasalamat sa sa local na pamahalaan. Labis namang ikinatuwa ni Brgy. Chairman Nestor Bautista, Ang pagdating ng naturang programa as kanilang brgy., na siguradong lubos na makakatulong sa kanyang mga nasasakupan.
Ayon kay Caoagdan, nasa 140 ektarya na ang naabot ng Makilala LGU mula sa paglunsad ng naturang programa noong Hunyo taong kasalukuyan. Patapos ng opisyal na iwasan na ang hidwaan at pamumulitika na nag-ugat pa noong nagdaang eleksyon at suportahan na lang umano ang kasalukuyang administrasyon. [Aired Sept. 25] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment