Nakikipagtulungan na ang kumunidad sa pagsugpo ng illegal logging. Ito ang inihayag ni Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) Officer Engr. Walter Ruizo ng lungsod. Mismong ang mga mamamayan na umano ng mga baranggay ang nagbibigay ng report hinggil sa mga napapansin nilang iligal na pamumutol ng puno.
Tanda nito ang pagkahuli kahapon, ng isang Dominador alyas Bador, resident eng Sitio Kabuhoan, Upper Bala, Magsaysay, Dvo del Sur. Nahuli ang akusado ng mga baranggay tanod sa pangunguna ni Brgy. Chairman Gideon Bugoy. Habang aktong namumutol ng punong marang at hanagdong sa Sitio Badiangon, Baranggay Cabilao.
Wala umanong kaukulang permiso ang pamumutol nito ng mga nasabing puno. Nakuha sa posisyon ng akusado ang isang chainsaw na walang kaukulang dokumento na pansamantalang naka diposito ngayon sa MENRO office.
Ayon kay Ruizo malaki ang maitutulong ng hakbang na ito bilang pakiki-isa ng mga mamayan sa pag preserba sa natitira nating kagubatan. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment