Makulimlim at tahimik ang buong araw ng lungsod, noong Sabado Setyembre 19.ito’y matapos ang halos 10 oras na pagkawala ng kuryente. Nagsimula ng brown-out alas 8 ng umaga at bumalik alas 4 na ng kinahapunan.
Una nang nagpalabas ng statement si Cotabato Electric Cooperative (COTELCO) Public Information Officer Felix Canja, noong nakaraang lingo. At ayon sa kanya na magkakaroon ng rotating brown-outs sa lalawigan at maging ang buong Mindanao. Bunga umano ng pagsasaayos ng Maramag-Bunawan Transmission Line.
Umalma naman ang ilang negoyante ng lungsod dahil sa hindi naanunsyong oras ng brown-out kung saan natuon pa ito sa working ta business hours.
Hiling nila ngaon, na matuon sa non-working hours ang pagkawala ng kuryente. Nang di maantala ang maraming Gawain at transaksyon sa araw. [Aired Sept 20](Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment