5 resulosyon ang na aprobahan ng konseho sa kanilang regular na sesyon kahapon. Galing ang 2 resulosyon sa komitiba ng turismo ni kon. Edilberto Tabanay, 1 sa Committee on Infastracture ni kon. Teodoro Orbita, 1 sa Committee on Laws ni Kon. Carlito CaƱedo at 1 sa Committee on Finance ni Kon. William Apostol.
Ang mga nasabing resulosyon ay ang mga sumusunod:
1. Mag file ng formal claim ang lungsod sa pamamagitan ni Mayor Rudy Caoagdan sa pagsakop at pagsali ng barangay Jucntion mula sa lungsod ng kidapawan.
2. Pagbukas ng isang rubber boat sliding sa Malasila River upang mapalakas ng turismo sa lungsod.
3. Pagtayo ng isang gusali sa Bienvinido Orteza High School sa baranggay Sta. Felomena ng lungsod sa hihingiing tulong mula kay 2nd District Cong. Nancy Catamco.
4. Pagbigay sanay at seminar sa mga myembro ng Lupong Tagapamyapa at brgy tanod ng lungsod
At panghuli ay ang na amendahang resulosyon ukol sa pagtawag ng isang Summit Conference ng mga alkalde sa bayan ng Tulunan at Ml’ng ng probinsya at mga alkalde mula sa bayan ng Bansalan, Magsaysay, Matanao, at Hagonoy ng Davao del Sur. Bago nito ay susulat si Mayor Rudy Caoagdan sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources 0 (DENR) para sa nasabing talakayan. Dito’y pag-uusapan ang pagsasaayos ng nasirang watersheds ng Saguing, Malaang, Malasila, Bulatukan at Darapuay Rivers. Kung saan ang nasabing mga ilog ang sy’ng nagsusuply sa mga patubig at irigasyon ng nabanggit na mga lungsod.
Ang mag resulosyong ito ay isasalang sa pangatlong pagbasa bago maging isang ganap na ordinansa. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment