Thursday, September 9, 2010

Pagdinig sa Pagpapatayo ng Municipal Emergency Assistance Center, Mainit na Tinalakay

Mainit na tinalakay ang ginanap na pampublikong pagdinig sa Session Hall ng Sanguniang bayan ng Lungsod, kanina. Dito’y tinalakay ang ordinansang tutugon at tutulung sa mga taga lungsod sa panahon ng kanilang pangangailangan. Ito ang ordinansang naglalayong itayo ang isang Municipal Emergency Assistance Center. Na s’yang maghahatid ng benipisyong medical, burial, transportation at food assistance sa mga panahong kinakailangan.

Sumalang para sa pagdinig ang Committee on laws at umupo bilang presider si Municipal Councilor Carlito Cañedo kasama sina Coun. Pedro Ang at Coun. Adelwisa Cruz. Kung saan dinaluhan din ng mga taga-lungsod galing sa iba’t-ibang sector ng komunidad at mga opisyal ng barangay. Layon ng nasabing pagdinig ay tanggapin ang suhesyon at tanong ng mga kababayang nais matukoy ang proseso sa pagkuha ng serbisyo sa nasabing progarama. Kung kailan aktibo naman sa partisipasyon ang lahat.

Babasahin muli ang isinusulong na ordinansa sa susunod na regular session ng konseho para sa dapat pang repasuhin ukol sa serbisyo nito. Sa pagsasara ng pagdinig, nagka isa ang lahat na ipagpatuloy at itayo ang nasabing programa. Kasabay ng pag-asang makakatulong ito sa lahat ng mga nangangailangan. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

No comments:

Post a Comment