Pinalawig na aksyon ang ginagawa ng Municipal Environment and Natural Resources ng lungsod upang habulin ang mga illegal loggers. Ito’y base sa inihayag ni Engr. Walter Ruizo ang Municipal Officer ng nasabing tanggapan.
Pinakahuling natiklo ng kanilang opisina ang isang truck na puno ng mga di’ dokumentadong kahoy sa Sitio Apoy-apoy ng Brgy Buena Vida ng lungsod. Dagdag pa ang nakarekober na mga nakatambak illegally cut lumber sa Sitio Libertad sakop pa rin ng nabanggit na baranggay.
Kung saan abot ito sa 170 piraso o 1,360 bd-ft. ang nabanggit ay pag-aari ng isang Berting Lahib, na residente rin ng baranggay. Pinutol umano ang mga nakumpiskang kahoy sa lupa ni Brgy.Chairman Madrid Palawan.
Naging matagumpay na operasyon ay sa tulong narin ng Department of Environment and Natural Resources o (DENR) at ng 57th Infantry Battalion. Ang mga nasukmit na illegall cut lumber ay nasa kustudiya na ng MERO sa pahintulot na rin ng DENR.
Pinasasalamatan naman ni Ruizo ang pwersa ng 57th IB sa pangunguna ni Lt.Col. Bernie Langub sa pakikipagtulungan nito na masugpo ang ganitong iligal na gawain. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment