Thursday, September 30, 2010

Reklamo ng KMM, Dadalhin na sa Sagguniang Panlalawigan

Dadalhin na umano ng Kilusang MAmbubukid ng Makilala o (KMM), sa Sangguniang PAnlalawigan ang reklamo ng grupo laban sa militar. Sa panayam kay Ms. Nida Delima, chairperson ng KMM, desmayado ang kanilang grupo sa naging kinalabasan ng kanilang hakbang sa Sagguniang BAyan at tugon ng militar.

Ito ay7 taliwas sa pahayag ni 1st/Lt. Andolong Durado, tagapagsalita ng 57th IB na nagkakakroon na sila ng Community Consulatations sa iba’t-ibang baranggay sa lungsod. Kung saan aniya, maraming baranggay pa rin ang mas ginustong manatili ang pwersang military sa sa mga pampublikong gusali tulad ng Brgy. Hall, Day Care Centers at paaralan.

Hindi sang-ayon si Delima sa naging hakbang ng military kung saan umano, hindi taga baranggay o myembro ng military ang nagpapaintindi sa bawat konsultasyon. At hindi umano sago tang konsultasyon, kundi ang mismong pull-out ng pwersa ng pamahalaan mula sa gov’t stablishments at sundin ang nakatala sa Saligang Batas.

Samantala, kasabay ng ika-11 Regular Session ng Saguniang Bayan ay napasa na bilang Resolusyon ang rekomendasyong pinalabas ng Committee on Peace and Order. Ito ay ang pagpapaalis ng sundalo sa mga gov’t facilities.pagbuo ng Invetigative body ng 39th at 57th IB para imbestigahan ang mga alegasyon laban sa kanilang mga myembro. Pagtulong Commission on Human Rights (CHO) upang beripekahan at imbestigahan ang mga pang-aabuso. Tulungan ng opisyal ng KMM ang mga nag-iimbestiga sa pagbigay ng mismong pangalan ng nagkasalang sundalo.

Ang rekomidasyong ito ay iniangat ng chairman ng komite na si Coun. Pedro Ang, na siya ring umupo bilang presider sa isinagawang pagdinig ng naturang reklamo noong nakaraang buwan. [Aired Sept 20] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

No comments:

Post a Comment