Naprobahan na sa katatapos lamang na regular na sesyon ng konseho ang dalawang sinalang na ordinansa, kahapon.
Ito ay ang Scholarship program for the poor but deserving students, na ginawa ni Coun. Carlito CaƱedo upang bigayang pag-asa ang mga mahihirap na kabataang nais tumungtung sa eskwela. Ang pangalawa naman ay binuo ni Coun. Madonna Dizon ang Scholarship Program for the public and private highschool teachers to pursue their advance studies in their chosen areas of specialization.
Ayon kay Dizon, nagpulong na sila ng bagong Local School Board, noong nakaraang linggo kasama sina Central District Supervisor, Mr. Renato Corre, West Dist. Supervisor Mr. Alejandro Corre, SK Federation Chairman Hon. Von Quizon, East Dist Supervisor Jose Caparida, Teachers Assoc Pres. Rolando Valle, Makilala Central Dist. Rep Madam Lourdes Arellano, Makilala East Dist. Rep. Rosi Marie Prodenciado at PTCA Pres Rene Molina.
Magpupulong pa sila sa pangalawang pagkakataon ng School Board para sa pagsasapinal ng Implementing Rules and Regulation at nang mapunduhan na ang mga nasabing programa. Dagdag ni Dizon, iba umano ito sa nakagawiang scholarship na kailangang 83 pataas ang marka ng estudyante. Kung saan sa programang ito isa sa kanilang magiging basihan sa IRR ay ang interes ng isang aplikanteng mag-aral. Ngunit nilinaw rin ng opisyal na college students lamang na kukuha ng short term courses ang magiging benepisaryo nito.
Tinatayang abot naman sa 5M peso ang magiging paunang budget sa nasabing mga progarama. [Aired Sept 21] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment