Hindi natuloy nag pag gawa ng isang resulosyon sa rekomendasyong pinalabas ng ng Committee on Peace and Order ni Councilor Boy Ang sa konseho, noong Lunes Setyembre 13.
Ito’y matapos kwestyunin ni Coun. Lito CaƱedo ang nasabing rekomenmdasyon na baka hindi sang-ayon sa sentemyento ng mga Kapitan ng lungsod. Sinuportahan naman ito ni Association of Barangay Council (ABC) President Dodong Orbita, na nakatanggap s’ya ng impormasyon mula sa isang barangay chairman. Na pumirma sila sa isang manifesto para sa retention o pagbalik ng mga pwersang militar sa mga government properties na dati nitong ginawang tirahan.
Matatandaang pina pull-out ni Lt. /Col Bernie Langub ang mga tauhan nito na naka base sa mga baranggay na pansamantalang naninirahan sa paaralan, baranggay hall at mga Day Care Centers. Bilang sagot sa inihaing reklamo ng Kilusang Mambubukid ng Makilala o (KMM) sa Sangguniang Bayan, noong nakaraang buwan.
Higit sa 1,000 ang naging partisipante mula sa iba’t-ibang sector ng lungsod at probinsya, kahapon. Kaugnay sa ginanap na launching ng Flagship program sa Baranggay Batasan ng lungsod. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment