Wednesday, September 8, 2010

Comelec sa Makilala handa na para sa October 25 Election

Tuloy ang Brgy. at Sangguniang Kabataan Eleksyon sa Octobre 25, 2010 at handa na rin ang tanggapan ng Comelec sa lungsod ng Makilala.

Gagawin paring mano-mano at hindi sa pamamagitan ng automation ang nalalapit na halalan, dahil ang pagbibilang ng mga boto ay isasagawa sa bawat Brgy. maging ang proklamasyon ng mananalong kandidato, ito ay ayon kay Maxima Catatista Municipal Comelec officer.

Dagdag pa nito 1,300 ang inalis nila sa listahan ng mga botante, dahil may batas na sinusunod na kapag dalawang magka sunod-sunod na halalan na hindi nakapagboto ang isang botante ay iaalis na ito sa talaan, at nasa kabuoang 40,088 ang SK at regular voters sa nabanggit na lungsod.

Sa ngayon ay ang Calendar of activities pa lamang ang natatanggap nila, kaya hindi pa sila naka pag conduct ng training para sa mga BEI’s na kung saan sila ang mag hahandle para sa darating na eleksyon. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) - Lea Sarbon

No comments:

Post a Comment