Dadag na kita at maagang asenso. Ito ang sinabi ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, sa ginawang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Brgy. New Cebu. Katatapos pa lamang umano bumisita ang mga representante galing sa bansang Finland. Kung saan naging paksa ang rubber production. Sa susunod na dalawang taon nangangailangan ang nasabing bansa ng humigit 2 milyong toneladang goma. At nasa 48 Milyong tonelada naman ang kukulanging supply ng rubber products sa loob ng dalawang taon.
Inihayag ng mga dayuhan na isa ang lungsod sa magiging rubber supplier sa nasabing bansa sa susunod na dalawang taon. Rason upang palakasin pa ng lokal na pamahalaan ang programa nito. Maalalang malakas ang kampanya ng administrasyon ng lungsod at maging ng probinsya na gawing produktibo ang mga bakanteng lupain sa mga baranggay. Sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng rubber seddlings sa mga residente. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment