Napuno ng selebrasyon ang lungsod ng Makilala ngayong araw. Kung saan dalawang baranggay ng lungsod ang nagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Kasabay nito ay ang launching rin ng flagship program sa kanilang baranggay.
Unang tinungo ng may akda ng programa na si Mayor Rudy Caoagdan ang baranggay ng Poblacion. Dito’y nagbigay s’ya ng kanyang talumpati at pagkatapos ay tumungo sa lugar kung saan idinaos ang launching ng kanyang programa. Naging benipisaryo ng nasabing lugar, si Cesar Flores na nakatanggap ng higit 80 puno ng goma na timanim mismo ng mga opisyal ng lungsod.
Kinahapunan naman ay tinungo ng mga opisyal ang barangay Indangan kung saan nagdiriwang rin ng kanilang ika- 52 anibersaryo. Nakatanggap sila ng mahigit 250 puno ng goma na itinanim sa lupa ng kapatid ni Brgy. Chairman Inggo Napoleon.
Ayon sa opisyal, mahigit 5 ektaryang lupain ang kanilang handang pagtaman. Handa na rin aw umano ang mga punong ipangtatanim at itatanim ito sa pamamagitan ng Bayanihan. Labis namang ikinatuwa ng opisyal ang pagkakaroon ng nasabing programa upang matulungan ang kanyang mga kabarangay.
Samantala, kasabay na nagtanim ng alkalde ang mga Department Heads ng lungsod, pulisya, sundalo at media. Isinasagawa ang flagship program sa lahat ng barangay na sakop ng lungsod. Kung saan sinimulan ito noong buwan ng Hulyo at target na matamnan ang mahigit kumulang sa 500 ektarya na bakanteng lupain ngayong taon. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment