Wednesday, September 8, 2010

Brgy. Poblasyon sa Makilala Nagdiwang ng ika-56 na Anibersaryo

“Pagbag-o hagit sa tanan, Kinaiyahan Ugmaron ug ampingan”, ito ang tema ng ika-56 na anibersaryo ng Brgy. Pobalasyon sa lungsod ng Makilala.

Sinimulan ang pagdiriwang ng isang parade ng mga brgy. officials kasama ang mga pribado at pampublikong paaralan ng nabanggit na lungsod. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng Launching sa rubber project ni Municipal Mayor Rudy Caoagdan.

Hindi naman nakarating ang sana’y maging guest speaker sa nasabing selebrasyon na si 2nd District Representative Nancy Catamco na kung saan ang kanyang mensahe para sa mga makilaleños ay ipinarating na lang ng kanyang tagapagsalita na si Jun Obello.

Noong Lunes isinagawa ang mga sports event, ang enter highschool basketball, Volleyball at iba pa na pinangunahan naman ng Sangguniang Kabataan (SK).

Kaugnay nito, Punong- puno ng mga tao ang Municipal Gymnasium noong martes ng gabi kung saan nagkaroon ng Acrobatic Show na halos hindi magkanda ugaga sa kasisigaw at katatawa ang bawat manonood at ang kasiyahang hated nito lalo na sa mga bata. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) - Lea Sarbon

No comments:

Post a Comment