Thursday, September 9, 2010

Grupo ng IPs sa Lungsod, Nag-akyat ng Reklamo sa SB

Matagumpay ang isinagawang pagdinig sa reklamong pinaabot ng Makilala Bagobo Association (MABA) sa konseho ng lungsod. Ito’y may kaugnayan sa pamumuhay ng kanilang mga myembro sa mga baranggay na sakop ng Makilala. Naging balakid umano sa kanilang katahimikan ang presensya ng militar, kung saan naninirahan ang mga ito sa loob ng baranggay hall, health centers at maging sa paaralan. Na tahasang paglabag sa saligang batas.

Dalawang puntos ang tinukoy ng grupo na nais nilang maresolba ng Saguniang bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ricky Cua. Una, ang militarization, kung saan nakakaranas sila ng Human Rights Violation particular ang derektang pag-akusa sa ilang mga Lumad na myembro umano ng NPA o supporter ng nasabing grupo, pati na ang deretsang pagpasok sa kanilang kabahayan.

Pangalawa ang illegal entry o pagpasok ng mga sundalo sa kanilang lupain at pananatili ng maraming araw. Hindi na umano sila nakakasaka sa kanilang pananim sa bukid dahil sa takot. Kinaumagahan pa kasi umano, ay naroon na ang militar. Hayagang paglabag umano ang hakbang ng militar sa Indigenous Peoples Rights Act o RA 8371, na pitong araw lamang pwedeng manatili ang pwersa ng militar sa IP community. At sa R.A 7910, na nagsasaad na kailangang nasa 500 hanggang 1,000 meters ang layo ng military detachments mula sa komunidad.

Sa binasang liham ng grupo, hinihiling nito ang pull-out ng mga military sa baranggay. Tungo sa kautusan ng Sangguniang Bayan at implementasyon ng Mayor ng lungsod. Ang MABA ay nasa ilalim ng organisasyong Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato Incorporated (ASLPCI). Ito’y may 11 chapters sa buong lalawigan na nagbabantay at naghahayag ng mga kahalintulad na problema sa kanilang hanay.

Naroon sa halos 3 oras na pagtitipon ang chairman ng MABA na si Kgwd,. Rodolfo Baguio kasama ang chairwoman ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato Incorporated (ASLPCI) na si Ms. Norma Capuyan at mga chapter presidents. Naroon din ang myembro ng konseho na s’yng dumulog sa nasabing reklamo at mga baranggay chairman. Sa lungsod. Ang nasabing pagtitipon ay ginanap kahapon, Setyembre 9, sa Makilala Municipal Rooftop. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

No comments:

Post a Comment