Saturday, September 25, 2010

Fiscal Al Calica, Napahanga sa Ipinakitang Determinasyon ng Local Groups sa Natatanging Paggunita ng ika 10 Buwan ng Maguindano Massacre

Mataimtim na ginunita kagabi ng mga personahe galing sa iba’t-ibang sector ng probinsya ang ika 10 buwang comemorasyon ng malagim na Mguindanao Massacre. Ditto ay binalikan ng mga partisipante ang masaklap na sinapit ng mga nagging biktima ng nasabing karahasan.

Nagging mas makabuluhan ang nasabing commemoration sa pagdalo ni Fiscal Al Calica, ng Kidapawan City Prosecutor Office at isa rin sa mga abugado ng Magindanao Case. Napabilib ang Fiscal sa nagpapatuloy na aktibidad ng Media group sa probinsya particular sa lungsod ng Kidapawan. Kung saan ang nasabing grupo lamang ang nagtakda ngayong buwan ng pagbalik tanaw sa nangyaring trahedya.
Dito’y pinaliwanag ng Fiscal ang development sa kaso laban sa mga akusadong Ampatuan. Ayon sa kanya, sa 57 supetsadong nahuli 14 sa kanila ay sinasalang na sa pagdinig, na kung saan 11 ay pulis,2 CVO, at 1 sibilyan. Nakatakda naman ang muling pagdinig ng kaso ngayong Hwebes ng susunod na linggo.

Sa isinagawang pagtitipon naroon sina Ruby Padilla Sison ng grupong Gabriela, Icon PTS, NGOs, Peoples Organization, mga estudyante at mga media personels mula sa print at broadcast media. Ang aktibidad ay isang pagtitipung puno ng pag-asa at panalangin, na makamtan ang hustisya sa naging biktima ng Maguindanao Masacre.(Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

No comments:

Post a Comment