Nagpalabas na ng rekomendasyon ang Committee on Peace & Order nad Public Safety. Ito’y sa pamamagitan ng kanilang Committee report No. 1, na isinumete sa sesyon ng konseho kahapon.
Laman ng kanilang rekomendasyong ang mga sumusunod:
1. Ibakante ng mga military ang mga pampublikong gusaliblng kanilang pansamantalang tirahan sa loob ng barangay.
2. Magkaroon ng Investigative Body ang 39th at 57th IB, upang imbestigahan mga alegasyon laban sa kanilang mga tauhan.
3. Imbestigahan at linawin ng Commission on Human Rights ang mga aligasyong pang-aabuso.
4. Tulungan ng KMM ang investigating boby ng military at CHR na pangalanan ang mga inirereklamong personels ng army.
5. Himukin ang mga opisyal ng barangay na makipag-ugnayan sa Commanding Officer ng military sa CHR sa mga report ng pang-aabuso gawa ng ilang myembro ng military.
Maaalalang nagpadala ng liham ang Kilusang Mambukid ng Makilala sa tanggapan ni Vice Mayor Ricky Cua at ipinasa sa komitiba ni Kgwd. Pedro Ang. Dito’y nagtakdang pagdinig ang nasasbing komite na ginanap noong noong ika 18 at 24 ng Agosto taong kasalujuyan.
Nasa nasabing pagdinig ang Chairperson ng Kmm at s’yng tumayong tagapagsalita na si Nida Delima, Major Danny Bustamanteng Task Force Bayanihan, 1st/Lt Andolong Durado tagapagsalita ng 57th IB, kasama ang si atty. Emma Ferenal ang legal council ng nabanggit na battalion.
Naroon din sa P/Ins jerson berrey ng Makilala PNP, atty Gary Vergara legal council ng lungsod. Mike Peñalosa ang provincial chairman ng CHR at Ms. Joy Bravo, ang Regional Chairman ng (CHR 12) kasama si Antonio Delposo.
Ang Peace & Order Committee na sumalang sa nasabing pagdinig ay pinangungunahan ni Kgwd. Pedro Ang at myembro nitong sina Kgwd jovencio Tabora at Kgwd Edelberto Tabanay. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment