Thursday, September 16, 2010

Militar Nagsasagawa ng Konsultasyon sa mga Baranggay ng Lungsod

Puspusan ang ginagawang information drive ng 57th IB sa mga baranggay ng lungsod. Ito’y patungkol sa pagdetina ng military personels sa mga baranggay. Kasunod ng reklamong pinaabot ng Kilusang Mambubukid ng Makilala (KMM) at Makilala Bagobo Association (MABA) sa konseho, noong nakaraang buwan.

Ayon kay 1st/Lt. Andolong Durado, tagapagsalita ng Batallion. Maraming baranggay ang mas ginustong manatili ang pwersang militar sa kanilang kumunidad. Pagkatapos ng ginawang kosultasyon sa publiko sa mga baranggay ng lungsod. Kasali na dito ang Baranggay Batasan kung saan nakatanggap sila ng reklamo mula sa grupong Gagmay’ng Mag-uuma. Sa 300 lumahok sa pagpupulong 8 lamang ang hindi sumang-ayon, tanda ng magandang relasyon ng sundalo sa nasabing baranggay.

Dagdag ni Durado, na responsibilidad na umano ng Baranggay Council ang pagpili ng lugar na lilipatan ng militar. At agad pagkatapos ng konsultasyon ay ililipat nila ang kanilang tauhan kung hindi man gusto ng karamihan ang pananantili nito sa pampublikong gusali. Ang deployment ng militar ay alinsunod sa programa ng Task Force Bayanihan nag awing katulong ang kanilang tauhan sa mga aktibidad na naglalayon ng pag-unlad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang kosultasyon ng 57th IB sa mga barangay. Panawagan ng opisyal sa mamamayan, isangguni ang mga sumbong ng pang-aabuso ng ilang myembo ng militar sa mga opisyal ng barangay upang mabigyang ng atensyon at magawan ng sulosyon. (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc

No comments:

Post a Comment