Gastusin sa Dengue, Handang Tustusan ng PHILHEALTH
Nagpalabas ngayon ng pahayag ang Philippine Health Insurance Program o (PHILHEALTH), may kaugnayan sa problema ng dengue cases sa bansa. Sa press conference na ginanap kahapon, siniguro ngayon ng ahensya na makakabayad ito sa tumataas na bilang ng degue cases.
Bumisita sa probinsya ang Presidente at CEO ng PHILHEATH na si Dr. Rey Aquino, na umaming naalarma sila sa sitwasyon ng dengue. At siniguro naman ng opisyal na makaka-avail ng mga benepisyo ang sinu mang myembro na ma confine dahil sa nasabing sakit.
Ayon kay Aquino, makakatanggap ang sino mang pasyente ng P500.00 na bayad para sa hospital room, P 4,200.00 para sa kinakailangang gamot, at dagdag na P3,200.00 para sa X-ray at laboratory exams at P1,200 para sa professional fee ng doktor. Basta’t nasa tertiary hospital ang pasyente.
Paliwanag ng opisyal, na pwede itong matanggap ng mga myembro sa 1,300 PHILHEALH accredited hospitals sa buong bansa. Siguradohin lamang ang mga kinakailangang papeles at pagbayad ng naa-ayon na kontribusyon sa ahensya. Sa unang anim na buwan ng taong 2010, nasa P191 Million na ang nabayad ng ahensya dahil sa sakit na dengue bilang tulong sa 24,585 indibidwal sa buong bansa.
Paalala naman ng opisyal na maging responsible sa pagsugpo ng dengue lalo na ngayong panahong tag-ulan. At suportahan ang 4S Laban sa Degue na kampanyang pinangngunahan ni Health Sec. At PHILHEALH Board Chair Dr. Enrique Ona.
Samantala ngayong Sabado, Oct. 2 gagawin ang massive registration ng Philheath. At dito sa lungsod ng Makilala ay gagamitin ang Makilala Central Elementary School sa isasagawang buong araw na pagpaparehistro. Kaya’t sa mga hindi pa myembro ng Philhealth ay magparehistro na nang ma avail ang serbiyong medical ng gobyerno. Bibit ng aktibidad ang katagang “Philhealth Sabado, MAgseguro, Magparehistro.” [Aired Sept 29] (Kalayaan Patrol news & Public Affairs Team) -Andrew Tabugoc
No comments:
Post a Comment